Ang hindi maipaliwanag na patuloy na pagtaas ng mga bilihin, partikular na ang langis, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa araw-araw, ang siya pa ring crisis na kinakaharap sa ngayon ng ating Inang Bayan. Magbuhat pa sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Corazon Aquino hanggang sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi pa rin mabigyan ng kalutasan ang problemang ito. Isinisisi ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa sa mga namumuno nito, magbuhat sa Presidente hanggang sa pinakamaliit na pinuno sa purok, subalit hindi natin naiisip na mas malaki ang kontribusyon ng mga ordinaryong mamamayan sa kasalukuyang karukhaan ng ating bayan.
Hayag sa kaalaman ng marami na ang ating bansa ay nasa demokratikong pamamalakad at ang lahat ng nakaluklok sa gobyerno ay dinadaan sa isang pambansang halalan. Subalit lahat ng karukhaan na dinadanas natin sa kasalukuyan ay ibinubunton sa mga nanunungkulan. Isang malaking tanong ang dapat muna nating sagutin bago tayo manisi ng mga nasa kapangyarihan: Sino ba ang nagluklok sa kanila sa poder? Ang taong-bayan, hindi ba? Samakat’wid, wala sila sa kanilang pwesto kung hindi dahil sa kapangyarihan ng boto nating mga ordinaryong mamamayan at kung wala sila sa pwesto ay hindi sila makakagawa ng anumang pangungurakot sa kaban ng bayan. Marahil ay kung hindi lamang nagpadala sa kintab ng salapi si Juan de la Cruz sa tuwing sasapit ang halalan ay hindi sana nailuklok ang mga ganid na pulitiko sa kanilang kinalalagyan ngayon, na walang ibang inisip kundi kumamkam ng limpak-limpak na salapi upang masustentuhan ang kani-kanilang mga luho at mapanatili ang kapangyarihan sa kanilang mga nasasakupan. Kung hindi sana nagpadala si Juan de la Cruz sa mga matatamis na salita ng mga tradisyunal na pulitiko, marahil ay hindi tayo magkakaroon ng kung anu-anong mga anomalya sa pamahalaan kagaya ng ZTE Scandal, Fertilizer Scam at marami pang iba. At marahil kung natuto na sana si Juan de la Cruz sa mga nakaraang panunungkulan ay unti-unti ng nakakamtan ang kaginhawahan sa kasalukuyan. Subalit ang lahat ng ito ay naunsyami dahil sa kasilawan sa kintab ng salapi, pagbubulag-bulagan at pananatiling walang prinsipyo ni Juan de la Cruz.
Sadyang nakakalungkot ang mga pangyayari na kung saan nabalewala ang mga paghihirap na dinanas ng ating mga magigiting na bayani para lamang makamit ang ating kasarinlan laban sa mga mapanupil na dayuhan. Sa ngayon ay mismong sarili nating mga kababayan at itinuturing pang pinuno ng gobyerno ang siyang nanlulupig sa mga maliliit na manggagawa sa lipunan. Walang magawa si Juan de la Cruz kundi ang magbulag-bulagan sa katotohanan at manatiling pipi pansamantala upang huwag maibaon sa lupa ng panghabang-buhay. Subalit hanggang kailan ang pansamantalang pagiging bulag at pipi? Kaya ba natin ibuwal ang mga ga-pader kalakas na ganid sa lipunan?
Ang isyu ng kahirapan ay hindi lamang suliranin ng mga namumuno sa pamahalaan kundi pati na rin ng sambayanang Pilipino. Ayon nga sa kasabihan, huwag kang magtanong kung ano ang magagawa sa iyo ng pamahalaan, bagkus tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang maaari mong maitulong sa pamahalaan. Ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa ay hindi mabibigyang kalutasan sa paraan ng kilos protesta laban sa mga nanunungkulan, kundi sa pamamagitan ng kasipagan, pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Subalit upang maituwid ang mga baluktot na namamahala ay kinakailangan pa rin natin maging mapagmatyag sa lahat ng kilos na ginagawa ng mga namumuno. Maging mapagmatyag hindi sa paraan ng karahasan at panggugulo kundi sa paraan na naaayon sa batas at walang kaninumang buhay ang kailangang ibuwis upang makamtan ang ating adhikain na umunlad. Isa itong hamon kay Juan de la Cruz na sa pamamagitan ng pagkakaisa ay makakamtan ang ganap na kalayaan ng ating Inang Bayan mula sa mapanupil na kahirapan. Isang hamon na sana ay huwag lang manatiling hamon, bagkus ay maisakatuparan ang hamon.